Mocha nagpaliwanag, OWWA ‘kinamusta’ lang mga OFW

MAY online kuro-kuro ang ilang netizen matapos kumalat ang video kung saan tinipon ni Mocha Uson ang ilang Overseas Filipino Workers na nasa ilalim ng quarantine na isang paglabag sa quarantine protocols na inilatag ng gobyerno: Maaaresto kaya si Mocha?

Pinaalala ng ilang netizens na ayon mismo sa gobyerno pinagbabawal ang kahit ano mang politically related gatherings katulad ng rallies, parades, speeches o public address.

Hindi ito pwede sa ilalim ng protocols sa ilalim ng enhanced community quarantine o sa mas magaan na general community quarantine.

https://twitter.com/macoydubs1/status/1254992954046865408

https://twitter.com/disisdadave/status/1255035834991968262

Pero ayon naman sa statement na inilabas ni Mocha sa kanyang social media page sila ay nagpunta sa quarantine facility para ‘kamustahin ang mga OFWs’.

“Patungkol sa isyu ng “mass gathering” sa Matabungkay, Batangas.”

“Noong ika-25 ng Abril 2020, tumungo ang OWWA sa isa sa mga quarantine facilities sa Matabungkay, Batangas, kung saan nananalagi ang mga nakauwing OFWs mula sa iba’t ibang bansa. Maliban sa pagbigay ng mga hygiene kits na kailangan ng mga OFWs sa kanilang pagkumpleto ng 14-day quarantine, kami rin po ay nagdala ng mahahalagang mensahe.”

“Amin po silang pinaalalahanan ng mga alituntunin na dapat sundin sa panahon ng ECQ, tulad ng social distancing at hindi paglabas sa kanilang quarantine facilities, dahil may mga nakarating na balita sa aming tanggapan na may mga OFW na nananalagi sa tabing-dagat ng Matabungkay. Ang kanilang diumano’y pamamalagi sa labas ay hindi ayon sa quarantine protocols, na siyang nilang dapat iwasan para hindi sila katakutan o husgahan ng mga lokal na komunidad sa kanilang quarantine facility.”

“Kami rin po ay nagpunta sa quarantine facility na ito para kamustahin ang ating mga OFWs, na siya rin naming ginagawa sa iba’t ibang quarantine facilities. Hindi lingid sa ating kaalaman ang pinagdaraanan ng ating mga OFWs. Maliban sa stress na kanilang pinagdaanan matapos mastranded ng ilang oras, sila rin ay kumakaharap sa diskriminasyon ng mga lokal na komunidad sa pangambang may dala silang virus. Ang kanilang pananatili sa quarantine facilities ay siya ring nagpapatindi ng kanilang lumbay sa pagkawalay sa kanilang mahal sa buhay. Ang lahat ng ito ay malaking dagok para sa kanilang isip at damdamin, na kung tutuusin ay hindi nila dapat maranasan kung wala ang CoVid-19. Ang pagbisitang ito rin sa kanila ay aming ginawa upang palakasin ang kanilang loob, at ipabatid sa kanila na hindi sila pinapabayaan ng ating administrayon.”

Dagdag pa niya, ang pagbisita ay sumunod sa alituntunin ng Inter-Agency Task Force.

“Kami ay bumisita nang may mahigpit na pagsunod sa mga alituntunin ng IATF, mula pa nang nagsimula ang ECQ noong ika-15 ng Marso. Amin po lamang sinisiguro ang ating mga OFW, ang ating mga bagong bayani, ay ligtas at malayo sa anuman uri ng panganib sa panahong ito ng CoVid-19 pandemic. Taos-puso po akong nagpapasalamat sa inyong pag-unawa.”

Read more...