Pagiging working student nakatulong sa bar topnocher

Bar topnotcher

ISANG working student ang topnotcher na si Mae Diane Azores, na nakakuha ng 91.0490 percent sa 2019 bar examination.

Sa panayam sa radyo, inamin din ni Azores na nangarap siya na makapasok sa top 10 upang maging inspirasyon sa ibang estudyante na sa probinsya nag-aaral ng law.

“As a working student po syempre mahirap po, kasi yung oras pero nakatulong din po kasi you get first hand experience kung ano talaga ang pinagdadaanan ng tao, as an auditor makikita mo po yung sa barangay level kung ano yung problems nila, yung application ng batas hindi lang puro concept, being a working student helps me a lot to appreciate the law,” ani Azores na nagtatrabaho sa Commission on Audit sa Bicol kung saan katrabaho niya ang top 3 na si Myrna Baranda, na kaklase rin nito sa University of Santo Tomas-Legazpi City.

Nang mag-trabaho, mas na-appreciate umano nito ang labor law dahil naging interesado siya sa mga benepisyo ng empleyado at tamang patakaran ng isang employer.

“Since working ka mas ma-appreciate mo yung pinag-aaralan mo.”

Naging auditor din siya ng isang lokal na pamahalaan “so habang nagbabasa ka nai-imagine mo kung paano mo ma-a-apply dun sa mga audile mo, yun din yung isang malaking edge.”

“Kahit papaano po hindi lang puro concept ang alam ko, alam ko rin po kung paano mo i-a-apply.”

Nang gabi bago ang huling araw ng exam, hindi umano nakatulog si Azores kaya “pagpasok ko po sa examination room hanggang pong mag-bell na signal na para sumagot nakatulog po talaga ako. Thankfully po dumating naman po yung mga sagot.”

Habang nagre-review ay nag-deactivate ng social media account si Azores pero hindi lumayo sa kanyang pamilya gaya ng ginagawa ng iba.

“Kinakausap ko naman po yung friends and family ko after na mag-aral, pag tapos na po lahat,” dagdag pa ng bar topnocher. “Kanya-kanya naman po yan kasi sakin medyo distracting talaga siya so I decided to give up muna social media.”

Kanina mayroon umanong nag-message sa kanya sa Facebook messenger.

“Mag nag-message sakin sa messenger na yun nga, may sinend lang siyang picture sobrang tagal mag-load akala ko screen shot na andun ako sa lista tapos nagulat po ako tapos andun po ako sa unahan.”

Iginiit ni Azores na nasa estudyante kung gugustuhin nitong maging top.

“Gusto ko rin pong i-uplift din yung spirit ng mga provincial law schools kaya isa rin po talaga sa pangarap ko na mag-top para ma-inspire rin po yung mga estudyante sa probinsya na hindi nila kailangan mag-enroll sa Manila pa o kung saan kasi nasa estudyante talaga yan kung gugustuhin nila mag-top kakayanin nila.”

Read more...