USUNG-USO ngayon ang TikTok at patuloy na dumarami ang mga naaadik dito mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine.
May mga natutawa at naaaliw sa mga TikTok videos sa social media pati na rin sa mga viral posts sa Facebook, Instagram at Twitter pero meron ding mga nagagalit, natatakot at nag-aalala para sa mga kabataan.
Tulad na lang daw ng mga video at litrato na ipino-post ng mga netizen na halos hubo’t hubad na at kung anu-anong “kalaswaan” ang pinaggagagawa.
Isa na riyan ang celebrity hair and makeup artist na si Fanny Serrano na nagtanong kung may mabuti bang naitutulong ang pagpo-post ng mga video at litrato na halos makita na ang lahat-lahat ngayong may pinagdadaanang krisis ang buong mundo.
Sa Facebook idinaan ni Fanny ang kanyang pagkadismaya, “I need an answer…please lang!
“Hindi ko talaga ma-getz kung ano ang purpose ng mga ibang netizens posting their photos na almost nude, halos naka-expose ang suso ng mga girls sa sobrang pakita ng kanilang cleavage…
“Mga lalaking naka-swimming trunk/underwear na ibinabalandra ang mga bukol ng ari nila…mga bagets na girls and boylets na naka-sexy pose na talbog pa ang mga boldstars na attention seekers!!! At lahat ay nakakalat sa social media!!!
“Ano ba talaga ang goal ng mga sexy postings nyo sa panahong ito na ang buong mundo ay nagdaramdam dahil sa covid-19 na nakamamatay ng todo-todo?!?
“Maliligtas ba sa virus ang sinumang makakakita ng sexy posting nyo na yun?!? Kung ganun nga ang magiging effect ng posting nyo eh di GO!
“Pero kung ang motibo nyo ay ang magpainit ng libido ng iba sa panahong ito eh teka lang noh… isip-isip naman kayo kasi maraming underage ang gumagala ngayon sa social media at nakikita yang mga pinopost nyo!
“Baka sarili nyong mga parents, mga anak or younger brothers and sisters nyo ang nakakakita! Hellooooo! Feeling nyo ba ay nag-eenjoy ang lahat ng netizens sa mga postings nyo?” lahad ni Fanny Serrano.
Pagpapatuloy pa niya, “Don’t get offended please…ganyan kasi ang photos ng mga ibinibenta ang mga sarili! I am sooo sorry pero nagpapaalala lang po ako na baka mapagkamalan kayo!
“Ooops, hindi po ako nagmamalinis,
kung hindi nyo feel ang message ko eh paki-unfriend/block na lang po ako. No problemo!”