NANAWAGAN ng imbestigasyon si ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo kaugnay ng ginawa umanong pagpalo sa isang vendor ng isda na pinagpapalo at pinagtulungan ng mga tauhan ng Task Force Disiplina ng Quezon City.
Umapela rin si Tulfo sa mga bagong abugado na ipagtanggol ang mga tao na walang kakayanan na ipagtanggol ang kanilang sarili.
“As we welcome today the country’s newest batch of lawyers whose names are revealed in the roster of passers of last year’s bar examinations, we call on all of our country’s lawyers to defend the defenseless, including the fish vendor mauled earlier this week in Quezon City,” ani Tulfo.
Kumalat ang video ng isang lalaki na napapasigaw sa sakit dahil sa pagpalo sa kanya sa Panay Ave., Brgy. South Triangle. Ang lalaki ay pinagtulong-tulungang buhatin ng mga tauhan ng Task Force upang maisakay sa kanilang sasakyan.
“Anuman ang kanyang naging paglabag sa enhanced community quarantine, hindi pa rin nararapat ang klarong paglabag sa kanyang karapatang pantao,” saad ng lady solon. “The barangay tanods did not use reasonable proportionate force to the alleged offenses of the ambulant fish vendor. “
Nagpasalamat naman si Tulfo sa nag-upload ng video kaya natawag ang atensyon ng publiko sa pangyayari.
“I appeal to the Public Attorney’s Office to immediately come to the aid of the victim,” dagdag pa nito. “I also question the denial of access to the victim while detained by the local authorities. The honorable act for the barangay chairman to do is to immediately suspend all the barangay tanods involved in the mauling of the fish vendor.”