Publiko pinag-iingat sa hindi rehistradong gamot

Ang fake news na kumakalat

HINDI umano totoo ang kumakalat na post sa social media na aprubado na ang paggamit ng Fabunan Antiviral Injection for COVID-19.

Nagbabala rin si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko kaugnay ng paggamit ng mga gamot na hindi rehistrado sa Food and Drug Administration.

“Itong Fabunan, ang sinasabi nila bakuna ito, hindi ito gamot, na isinasaksak sa mga pasyente. Nung aming ipinaalalahanan para lang mag-apply na lang sa FDA para maintindihan na natin ‘yung sinasabi, hindi naman nag-aapply po hanggang ngayon sa FDA,” ani Vergeire sa virtual briefing kahapon.

Ang doktor o tao na gagamit umano ng hindi rehistradong gamot sa isang pasyente ay papanagutin din.

“Hindi po nila pwedeng gamitin ‘yan sa ating kababayan na walang pag-aaral na ginawa para masabi na ito ay tama o ito ay mali,” dagdag pa ni Vergerie. “So kailangan po nilang iparehistro po ‘yan para macheck natin. ‘Wag gamitin kung hindi rehistrado.”

 

Read more...