HINDI na kailangan sumailalim sa mass testing para sa coronavirus disease ang mga manggagawa na magbabalik sa kanilang mga trabaho sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine, ayon sa Department of Trade and Industry.
Ani DTI Secretary Ramon Lopez ang mga isasailalim sa pagsusuri ay mga suspected cases at mga nagpapakita ng sintomas.
Sa ilalim ng GCQ na magsisimula sa May 1, hahayaan na ang pagbubukas at pag-operate ng ilang mga kumpanya.
Ayon kay Lopez, maaari namang maglabas ng sariling guidelines ang mga kumpanya pagdating sa pag-test ng kanilang mga empleyado.
“Pwede po tayong bumalik sa pagtatrabaho at yung kumpanya, kanya-kanya pong pag instill kung gusto nilang irequire, magtest muna lahat bago pumasok, or ibibigay yung test kapag may karamdaman.” aniya.