ISANG Spanish reporter ngayon ang mainit na pinag-uusapan sa social media nang mag-viral ang video habang siya ay nagla-live report nang may biglang nag-appear na babaeng nakahubad na naglakad sa kanyang likuran.
A news anchor in Spain was doing a live hit when a semi-naked woman (who is not his wife) walked into the frame. Oops!!! pic.twitter.com/lHU0zS94AV
— Nando (@nandorvila) April 28, 2020
Ang problema rito: Hindi pa raw ito umano ang girlfriend nya.
Ayon sa mga report, ang reporter ay si Alfonso Merlos isang journalist at political commentator. Ang babae naman ay nakilalang reporter din ng Spanish TV show na Socialité na si Alexia Rivas.
Sa isang interview, tinawag, nang ngayon ay ex-girlfriend na ni Merlos, na si Marta Lopez (isang sikat na ex-game show contestant) ang scandal na ito bilang ‘shameful’.
In 2018, isang kaparehong insidente ang nangyari rito sa Pilipinas involving actor Cesar Montano kung saan nag-viral ang video greeting niya with an almost naked woman na naglalakad sa likod niya.