Resulta ng 2019 bar exam inilabas na; UP, Ateneo wala sa top 10

WALA ang mga kilalang law schools sa top 10 ng 2019 bar exam.

Inilabas na kanina ng Korte Suprema ang resulta ng 2019 Bar Examination na ginawa noong Nobyembre. At sa 7,685 examinees, 2,103 o 27.36 porsyento ang pumasa.

Mas marami ang pumasa sa exam noong nakaraang taon kumpara noong 2018 Bar exam na 1,800 o 22.07 porsyento ng 8,155 examinees.

Ibinaba naman sa 74 percent ang passing rate mula sa 75 kaya mas marami ang pumasa.

Narito ang top 10:

1. Azores, Mae Diane M., 91.0490% University of Santo Tomas-Legazpi City

2. Parahman, Princess Fatima T., 89.5230%, University of the East

3. Baranda, Myrna M., 88.8250%, University of Santo Tomas-Legazpi City

4. Bandiola, Dawna Fya O., 88.3360%, San Beda College-Alabang

5. Fabello, Jocelyn B., 88.2630%, Palawan State University

6. Manuel, Kenneth Glenn L., 88.1730%, University of Santo Tomas

7. Buergo, Rhowee D., 87.8710%, Jose Rizal University

8. Avila, Anton Luis A., 87.5820%, Saint Louis University

9. Rojas, Jun Dexter H., 87.5765% Polytechnic University of the Philippines

10. Madera, Bebelan A., 87.3795% University of St. La Salle

Ang kabuuan ng listahan ng mga pumasa ay makikita sa website ng Suprem Court (sc.judiciary.gov.ph)

Hindi gaya sa mga nakaraang taon, hindi inilabas ng SC sa malaking screen sa SC grounds sa Maynila ang resulta upang maiwasan ang pagtitipon ng mga tao sa gitna ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine.

Read more...