INILARGA sa Senado ang panukala na ipagbawal ang pakikipagkamay upang hindi kumakalat ang coronavirus disease 2019 (Covid-19).
Kamakalawa ay isinumite ni Sen. Sonny Angara, na kamakailan lamang ang gumaling sa nasabing sakit, ang Senate Resolution No. 374.
Layon ng panukala na “discourage handshaking and promote hand hygiene to minimize the spread of infectious diseases, bacteria, and viruses.”
Ani Angara, kailangang umiwas sa pakikipagkamay bilang bahagi ng social distancing.
Sinegundahan din niya ang babala ng World Health Organization (WHO), na nagsabing isang “health risk” ang simpleng pakikipagkamay.
Isa si Angara sa tatlong senador na nagpositibo sa Covid-19 noong isang buwan.
MOST READ
LATEST STORIES