Apela na palawigin pa ang ECQ sa Bacolod City hanggang Mayo 15 nakarating na sa Palasyo
SINABI ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nakarating na sa Palasyo ang apela ng lokal na pamahalaan ng Bacolod City na palawigin pa hanggang Mayo 15 ang enhanced community quarantine matapos namang hindi na ito isama sa ECQ at inilagay na sa general community quarantine (GCQ) simula Mayo 1.
“The appeal of Bacolod City officials asking for President Rodrigo Roa Duterte to extend enhanced community quarantine (ECQ) until May 15, 2020 has reached the Office of the President,” sabi ni Roque.
Tiniyak ni Roque na isasailalim sa pag-aaral ang panawagan ng Bacolod City.
“Aforesaid appeal needs to undergo protocol such as the approval of the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF),” ayon pa kay Roque.
Ani Roque antayin na lamang ang desisyon ng IATF dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.