‘Wine bottle’ workout ni Kris patok; Lovely maraming pinaseksi sa ‘ECQ’

BUKOD sa mahusay na pagpapatawa sa longest-running comedy show na Bubble Gang, may bago nang career ngayon si Kapuso star Lovely Abella habang naka-lockdown pa rin ang Luzon region.

Isa na ring ganap na fitness coach online ang All-Out Sundays star sa kanyang online group na Lovely Fitness Squad. 

Dahil importante sa panahon ngayon ang manatiling fit at healthy pangontra sa COVID-19, kinakarir ni Lovely ang pagiging mentor sa mga hindi lang nais makamit ang kanilang #BodyGoals habang naka-quarantine pati na rin sa mga nais maging healthy ang pangangatawan.

 Ibinabahagi ni Lovely ang kanyang mga sikreto sa pagiging fit at toned sa kanyang mga tinuturuan. Kahanga-hanga na sa loob ng tatlong linggo, naging mas fit ang mga tinuruan ni Lovely na sumunod sa kanyang workout plan na kung tawagin ay HIIT (high-intensity interval training) pati na rin wastong pagkain.

 “Always trust the process, motivate yourself and eat healthy,” ani Lovely. 

Maliban sa iba’t ibang body workouts, mayroon ding ibinabahaging healthy meal tips ang Kapuso star. 

Samantala, tunghanyan muli ang no contact live show ng All-Out Sundays ngayong Linggo (May 3) kasama ang mga paborito ninyong Kapuso stars upang makapagbigay aliw at makalikom ng donasyon sa mga higit na apektado ng krisis katulong ang GMA Kapuso Foundation.

* * *

Bukod sa pagma-manage ng kanyang mga negosyo at pagkuha ng online courses, isa pa sa pinagkakaabalahan ng Kapuso actress na si Kris Bernal habang naka-quarantine sa bahay ay ang pagwo-workout.

 Kilala si Kris na maalaga sa kanyang katawan at disiplinado pagdating sa kanyang workout routines.

 Sa latest Instagram video ng aktres, pinakita niya ang pagwo-workout gamit ang wine bottles. 

Aniya, “A home workout using water bottles was a highly requested video on my story last week. So, here it is! I opted for wine bottles because I’m so used to powerlifting!” 

Nagbigay rin siya ng ilang paalala bago simulan ng kanyang followers ang routine na ito para sa abs at arms, “If you’re trying this, test it out first. Make sure the bottles won’t slide! Do 12-15 reps for 3 rounds.” 

Dagdag pa ni Kris, “Monday workouts are always a good test to see how the rest of the week is going to turn out! Start this week strong and active!”

Read more...