Anak gustong bigyan ng cellphone; tatay nagtulak ng shabu

Jail

GUSTO umanong mabilihan ng cellphone ang anak kaya nagbenta ng P500,000 halaga ng shabu ang isang tatay sa Valenzuela City.

Naaresto ang mag-asawang sina Marvin at Ligaya Castillo at ang umano’y pinanggagalingan ng kanilang ibinebenta na si JP Bautista.

Nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay ng pagbebenta umano ng mag-asawa ng shabu.

Nang maaresto ang mga suspek sa Brgy. Balangkas ay may dala umano itong 70 gramo ng shabu.

Ayon kay Marvin gusto lang niyang mabigyan ng cellphone ang kanyang anak kaya pumayag na may kasamang cellphone ang bayad sa shabu.

Hindi naman umano alam ni Ligaya na shabu ang ibinebenta ng mister.

Bukod sa Camanava ay nagbebenta rin umano ng shabu ang mga suspek sa Maynila.

Read more...