STRANDED pa rin hanggang ngayon si Glaiza de Castro sa Baler, Aurora dahil sa extended enhanced community quarantine sa Luzon.
Damay sa pagkakaipit ni Glaiza sa probinsiya ang mga magulang at ang foreigner boyfriend na si David Rainey.
Bukod sa pagtatampisaw sa dagat, naging makabuluhan din ang pananatili sa Baler ng magdyowa. Nakagawa rin kasi sila ng original song na alay nila sa mga frontliners, ang “Ode To The New Heroes.”
Saad ni Glaiza sa kanyang Instagram post, “During the first weeks of the quarantine, @david_rainey89 and I tried to make a song with our frontliners in mind.
“But it took a little while to convince him to sing with me on this video as he’s still a bit shy.
“Anyway, this is the least that we can do while we’re here. We all have different ways to cope, help and support and hope we are able to share positively amidst uncertainty through this.
“Thank you to @rona_pie for the song title suggestion.”
Inilabas rin ng Kapuso artist ang lyrics ng kanta kung saan binigyang pugay niya ang mga sakripisyo at walang katulad na serbisyo ng mga bayaning frontliners na patuloy ang pagbubuwis ng buhay sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
* * *
Made with love ang panibagong handog ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes para sa magigiting nating frontliners.
Sa Instagram, ibinahagi ni Marian kung paano niya ipinagluto ng packed spaghetti meals ang frontliners ng UP NIH at National Center for Mental Health.
Ayon sa “First Yaya” actress, “Another special day in the kitchen as I prepare some snacks for our frontliners at the UP NIH and National Center for Mental Health. Hope you’ll enjoy this meal I made for you. Stay strong and healthy. Maraming salamat sa inyo!”
Nitong nakaraang April 1 ay pinagluto rin ni Marian ng special menudo ang Quezon City General Hospital frontliners.