Sharon, Kiko nag-ala Captain Ri at Se-ri para sa 24th wedding anniv

NILAMON na rin pala ng sistema ng K-Drama si Sen. Kiko Pangilinan. At yan ay dahil sa misis niyang si Megastar Sharon Cuneta. 

Kilalang adik sa mga Korean series si Shawie at talagang ibinabandera pa niya pati ang kanyang mga favorite K-Drama actors.

Kaya naman para mas mapasaya at mapakilig ang asawa, nakaisip ng bonggang surprise si Sen. Kiko para kay Mega — gamit ang hit Korean drama series na Crash Landing on You na pinagbibihan nina Hyun Bin as Captain Ri at Son Ye-jin as Se-Ri.

Kahapon, bilang bahagi ng kanilang 24th wedding anniversary, nag-ala-Captain Ri ang senador sa kanyang Crash Landing on You-themed message for his wifey.

Ipinost ni Kiko sa Instagram ang isang photoshopped picture kung saan ipinatong niya ang kanyang mukha sa litrato ni Hyun Bin at ang mukha ni Sharon kay Se-ri.

Ginamit pa niya sa caption ang linyahan ni Captain Ri sa CLOY na, “I made a promise to her that as long as she’s in my sight, I will protect her no matter what.”

Dugtong pa niya, “Happy 24th Wedding Anniversary, to my sweetheart! I love you dearly! hahaha!” 

Ni-repost naman ni Mega ang paandar ng asawa, “Itong asawa ko alam niya si Hyun Bin ang labs ko ngayon kaya sa aming 24th wedding anniversary eto ang message niya sa akin! Hahahahahaha!

“Happy Anniversary, Sutart. I love you! And salamat po sa lahat ng bumati sa amin sa araw na ito! God bless us all!”

Samantala, sa isa pa niyang IG post ibinahagi rin ni Sharon na sa halip na bouquet of flowers ang iniregalo sa kanya ng senador, “bouquet of chicharon bulaklak” ang natanggap niya.

 “Sabi ko ANG SAYA-SAYA KO! PINAKAGUSTO KONG BULAKLAK ITO SA LAHAT NG BULAKLAK NA BINIGAY NIYA SA AKIN!

“Every year ito na lang sana! Hahahahahaha!

“Favorite ko ito bata pa ako eh! Thank you for my FLOWERS Sutart! The BEST THIS YEAR! Hahahaha!” hirit pa ni Mega.

Ikinasal sina Kiko at Sharon noong April 28, 1996. May tatlo na silang anak, sina Frankie, Miel at Miguel. Tumayo ring parang tunay na ama ang senador sa panganay ni Sharon kay Gabby Concepcion na si KC Concepcion.

Read more...