ISUSUNOD na ang Tondo sa malalagay sa 48-hour ‘hard lockdown’ dahil sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease at mga lumalabag sa quarantine, ayon kay Mayor Isko Moreno.
Sinabi ni Moreno, magiging katulad ito ng naging ‘hard lockdown’ sa distrito ng Sampaloc, kung saan hindi pinayagan lumabas ang sinoman para sa kahit anong rason, maliban sa may special exemption, ang mga nakatira dito sa loob ng dalawang 48 oras.
“May additional exemptions lang with regard to basic commodities and logistic area.” ani Moreno.
Sa interview nya sa ABS-CBN News Channel, ang lockdown ay magaganap ngayong linggo.
Ang naging lockdow noon sa buong distrito ng Sampaloc ay tumagal ng 8PM ng April 23 hanggang 8PM ng April 25.
Ito ay nagbigay daan sa disease surveillance, verification or testing at rapid risk assesment bilang pagresponde sa pagtaas ng kaso ng may COVID-19 sa distrito.