209 pang OFWs nahawa ng COVID-19

NADAGDAGAN ng 209 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019. Ito ang pinakamataas na naitala sa isang araw.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs umabot na sa 1,604 ang kabuuang bilang ng mga nahawa ng COVID-19.

Naitala naman sa 189 ang bilang ng mga nasawi at 419 ang gumaling na.

Ang mga OFW ay nakakalat sa 46 bansa.

Read more...