DA nagbabala sa posibleng shortage ng baboy

 

POSIBLENG magkaroon ng kakapusan sa suplay ng karneng baboy sa huling bahagi ng taon.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary at spokesperson Noel Reyes aabot sa 31 araw ang kakapusan sa suplay ng karneng baboy.

“Pero ito po ay sinisikap natin na ito ay masolusyunan,” ani Reyes na nagsabi na pinagiibayo ng ahensya ang pag-aalaga ng baboy sa mga lugar na walang kaso ng African Swine Fever.

May nakikita naman ang DA na sobrang suplay sa bigas, mais, gulay, isda at manok sa huling bahagi ng 2020.

Aabot umano sa 94 araw ang surplus ng bigas, 234 araw naman ang surplus ng mais, 88 araw ang surplus ng gulay at 233 araw ang surplus ng isda.

Read more...