Wish ni Alden sa 66th b-day ni Bossing: ‘Quarantine baby’, kapatid ni Tali

“QUARANTINE baby” ang isa sa mga birthday wish ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards para kay Vic Sotto.

Nagse-celebrate ngayong araw ng kanyang 66th birthday si Bossing Vic at sa pamamagitan ng Zoom teleconference ay muling nagkaharap-harap ang mga hosts ng Eat Bulaga para sa kaarawan ng veteran TV host-comedian.

Sa Facebook Live ng Kapuso noontime show, isa-isang bumati ang mga EB dabarkads kay Bossing kabilang na nga riyan si Alden. Nagpasalamat ang Pambansang Bae sa TV host-comedian sa lahat ng opportunities na ibinigay nito at ng buong production sa kanya.

“Bossing, thank you po sa lahat-lahat ng experience po na naibigay niyo po sa aming lahat sa Eat Bulaga, especially sa akin po.

“Wish ko po sa inyo na sana mas marami ka pang matulungan na dabarkads.

“Kasi, alam ko naman na kahit may quarantine tayo, may quarantine man o wala, e, walang humpay ang pag tulong ninyo sa mga dabarkads natin na nangangailangan,” bahagi ng birthday message ni Alden kay Bossing.

Dagdag pa niya, “So, yung kalusugan ni Bossing, number one. More birthdays to come at sana masundan na si Tali. Happy birthday po Bossing, I love you po.”

“Yunnn!” ang sabay-sabay namang hirit nina Jose Manalo, Paolo Ballesteros at Wally Bayola na kasama rin sa teleconference.

“Quarantine baby?” hirit naman ni Bossing Vic.

Read more...