Tauhan ng QC task force na namalo ng ECQ violator iniimbestigahan na

INIIMBESTIGAHAN na ang umano’y pamamalo ng tauhan ng Task Force Disiplina ng Quezon City sa isang lumabas sa Enhanced Community Quarantine.

Sa isang pahayag, iginiit ng Quezon City government na hindi nito kokonsintihin ang mga maling gawain ng mga tauhan nito.

“The City Government shall never condone any acts of violence or violation of human rights, regardless of reason or justification, especially when committed by an official or employee of the City Government or any of the City’s Barangays,” saad ng pahayag ng City government. “A full blown investigation is being conducted on this matter, and any person found to have to have acted unlawfully or improperly shall be prosecuted to the fullest extent of the law.”

Mahigpit umanong ipinatutupad ang ECQ subalit hindi nangangahulugan na dapat malabag ang karapatan ng publiko.

“While the City Government reiterates it’s resolve to fully enforce ECQ Protocols at this time of the COVID-19 pandemic, all its personnel and agents are strongly reminded to always conduct themselves with proper decorum and restraint, and to observe compassion and tolerance, especially in these difficult times.

We again wish to remind everyone to stay home and stay safe.”

Nag-viral ang isang video kung saan pinapalo umano ng tauhan ng Task Force Disiplina ang isang lalaki sa Panay Avenue, Barangay South Triangle.

Maririnig sa video ang pagsigaw ng lalaki dahil sa sakit. Humiga ang lalaki kaya binuhat ito ng mga tauhan ng Task Force at isinakay sa kanilang sasakyan. Nakipagsagutan ang isang tauhan ng task force sa mga taong sumita sa kanilang ginagawa.

Read more...