Nagbitbit ng alak, baril tiklo sa checkpoint

 

SHOOT sa selda ang lalaki na nahulihan ng ilang bote ng alak, baril at mga bala sa checkpoint sa Payatas sa Quezon City.

Kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Police ang suspek na si Brando Busca, 39, ng Brgy. Commonwealth.

Hinarang ng mga nagmamandong pulis sa checkpont ang kulay puting Nissan pick-up na may plate number na NCJ 5168 para isailalim sa thermal scanning.

Nang inspeksyunin, nakita sa loob ng sasakyan ang 27 bote ng Emperador Light. Nakumpiska rin sa suspek na isang 9MM na baril at dalawang magazine na may 15 mga bala

May dala ring cash na aabot sa P12,600 ang suspek.

Read more...