4 probinsya di na sakop ng ECQ

Lockdown

SIMULA sa Mayo 1 ay hindi na paiiralin ang enhanced community quarantine ang apat na probinsya.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, kabilang sa mga aalisin sa ECQ ang Aklan, Capiz, Davao del Norte at Davao de Oro.

Ang mga nabanggit na lugar ay unang inanunsiyo na isasalang sa beripikasyon kung mapapasama pa o hindi sa ECQ.

Samantala, magtutuloy pa rin ang pag-iral ng ECQ sa National Capital Region, Region 3 (Central Luzon), maliban sa Aurora province, Region 4-A o CALABARZON, Davao City, Panganisan, Benguet, Cebu, Iloilo, at Baguio City.

Ang mga lugar na hindi nabanggit sa listahan ay isasailalim as general community quarantine simula sa Mayo 1.

Read more...