NAPAKAHIRAP kapag may kasama kang may coronavirus (COVID-19) dahil hindi ka basta-basta makakalapit sa kanya at kailangang maging napakaingat para hindi mahawa.
Narito ang ilang mga tips sa tamang pag-aalaga sa taong may COVID-19 sa bahay na dapat mong malaman at sundin upang ang sakit na ito ay maiwasan ng pamilya.
1. Kung ikaw ay may COVID-19 tandaan na dapat mong takpan ang iyong bibig at ilong sa tuwing babahing o uubo. Magsuot palagi ng face mask.
2. Manatili sa isang kuwarto na mahangin o may maayos na bentilasyon.
3. Huwag nang pumasok o manatili sa mga lugar na ginagamit ng ibang kapamilya upang hindi na kumalat ang virus sa inyong bahay.
4. Siguraduhin na nakasuot ng face mask kung kinakailangang manatili ng kapamilya sa iyong espasyo sa bahay. Tandaan din ang 1 meter distance upang makasiguradong hindi makakahawa ng ibang tao.
5. Linisin at i-disinfect ang mga kagamitan na laging hinahawakan ng taong positibo sa COVID-19.
Dagdag na tips sa tamang pag-aalaga ng kapamilyang may COVID-19
Narito ang ilang tips na dapat mong mga malaman kung may kapamilya kang may mild COVID-19
1. Siguraduhin ang pagsunod sa physical distancing sa loob ng inyong tahanan.
2. Ang pasyenteng kapamilya ay kinakailangang manatili sa hiwalay na kuwarto. Ihiwalay din ang personal na kagamitan nito at huwag munang mag-imbita ng mga bisita sa inyong bahay.
3. Kung nakararamdam ng mga sintomas ng COVID-19 katulad ng hirap sa paghinga, matinding pananakit ng dibdib, pagkalito o pagkabalisa ay agad tumawag na sa Barangay Health Emergency Team (BHERT). Tandaan na tumawag muna rito bago pumunta o magtungo sa klinika o ospital.
4. Tandaan na importante ang pagkakaroon ng pag-uusap o kumustahan sa kapamilya o pagkakaroon ng bonding ng pamilya upang mabawasan ang mga nararamdamang takot o pangamba.
5. Iparamdam sa pasyenteng kapamilya ang buong suporta at malasakit para hindi ito mapanghinaan ng loob.
Source: DOH
MOST READ
LATEST STORIES