MAY incentive si Neri Naig, dyowa ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda, sa mga barangay na konti lang ang pasaway.
Sa kanyang Instagram account ay ipinost niya ang photo ng isang buong lechon.
Pero hindi naman talaga sa kanya manggagaling ang litson kundi sa dalawang donors na kanyang pinangalanan.
“But waaaaaaait! There’s moooore! Hehe! Ang barangay na may pinaka konti o walang pasaway sa Alfonso until May 15 ay makakatanggap ng 10 lechon galing kina Sir Ysrael Landicho at Sir Dodo Credo, owners ng Redknot Auto Repair Shop located at Brgy. Mangas 1.
“Sabi ko sa inyo eh, masarap tumira sa Alfonso. May malasakit ang mga nakatira dito.
“Pwede ring gayahin ng ibang bayan at pwede pang magdonate kung sino ang may gusto. Ako? Pahinga muna bulsa ko at paubos na ipon, hehe! Bawi na lang muna ako next time!”
‘Yan ang buong caption ni Neri sa kanyang photo.
Samantala, naaliw naman ang mga netizens nang tuksuhin at biruin ni Neri ang friend niyang si Angel Locsin nang mapanood ang video na ipinost nito sa social media.
Mapapanood sa video si Angel na fully made up at todo ang emote sa harap ng camera with a short caption na, “Parking this here [laughing emoji].”
Comment ni Neri, “Bilib na bilib talaga ako sayo! Ang gaaaaaling mong mag emote sa mga pictures! Super sexy!!! [face with heart eyes emoji].”
Reply naman ni Angel sa kanya, “Emote lang pero pag cut na parang tambay nanaman sa kanto lol.”
“Nag iibang anyo ka talaga! Di ka kase pasexy o pacute sa totoong buhay tapos pag ganyan na, para ka na talagang artista!
“Try mo kayang mag artista? Baka pwede? Feeling ko sisikat ka [laughing emoji],” biro uli ni Neri kay Angel.