Pauleen may promise para sa 66th b-day ni Bossing  

MAY mga binitiwang pangako si Pauleen Luna para sa asawang si Vic Sotto na nagse-celebrate ngayong araw ng kanyang 66th birthday.

“You will always have my love, loyalty, respect, and support,” ang bahagi ng birthday message ni Poleng kay Bossing na kanyang ipinost sa Instagram kalakip ang litrato ng ace comedian kasama ang anak nilang si Tali.

Ayon sa TV host-actress, ito ang pinaka-favorite niyang photo ni Vic kung saan makikitang nakaupo ang kanyang mag-ama sa hagdan ng kanilang bahay.

“This photo shows how much you love being a father, and not many people know how much you love staying home with your family,” caption ni Pauleen sa kanyang IG post.

Dugtong pa niya, “Thank you for doing your best to be the best father to your kids and husband to me.

“Like what I said, I may not have a gift for you today, but you will always have my love, loyalty, respect, and support. I thank god every day for your life. Happy birthday, my husband.”

Kasunod nito, ipinost din ni Poleng ang litrato ni Bossing habang nakikipag-bonding kay Baby Tali na may mensaheng, “Hay… these two. Happy birthday, my love.”

Bukod kay Pauleen, binati rin ang veteran TV host-comedian ng mga kaibigan niyang celebrities sa comment section, kabilang na sina Paolo Ballesteros, Baeby Baste, Ai Ai delas Alas at marami pang iba.

Siyempre, hindi rin siya nakalimutang batiin ng kanyang BFF na si Joey de Leon na nag-post pa ng ilang litrato nf TVJ sa Instagram.

“Happy  birthday pareng Vic! For us, life is tough but it’s a hit!” mensahe ni Joey kay Bossing.

Read more...