Finance center ng Philippine Army nasunog

NASUNOG ang isang gusali ng Philippine Army kagabi.

Nagsimula ang sunog alas-9:09 ng gabi sa PA Finance Center sa Bayani Rd., Brgy. Fort Bonifacio, Taguig City.

Nagsimula umano ang sunog sa GSMO room ng gusali. Walang napaulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Naapula ang apoy alas-10:03 ng gabi. Umabot sa P300,000 ang pinsala sa sunog.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang arson investigators upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

Read more...