JODI: Hindi pa kami magpapakasal ni JOLO, wala namang nagmamadali!

 

KAMAKAILAN lang namin nasulat dito sa BANDERA na magkasama sina Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria sa Butuan City noong nakaraang Sabado (Agosto 3) para sa show ng aktres kasama si Richard Yap na mas kilala bilang si Sir Chief ay muli naming nakitang magkasama ang dalawa sa Mall of Asia noong nitong Sabado para manood ng semi-finals ng FIBA Asia Championship kung saan nanalo ang Gilas Pilipinas laban sa koponan ng South Korea.

Kaya naman tinanong namin kaagad ang si Jodi sa launching niya bilang Cosmo Body endorser kung family day ba nila ni Jolo ang weekends? “Yung taong (Jolo) ‘yun talaga kapag walang ginagawa ay tina-try niyang dumaan, kumbaga ume-effort naman talaga siya.

“Hindi lang para sa amin (family day) kundi para rin sa nakararami or para rin sa lahat na dapat we always spend time or find time sa family,” mabilis na paliwanag ng aktres.

So, tuwing Sabado talaga kailangang magkasama sina Jolo at Jodi? “Hindi naman sa ganu’n, it’s just that we’re busy with work, sa kanya-kanya naming ginagawa so dapat lang din talaga na mag-spend kami ng time di ba or hindi na talaga kami magkikita,” sabi pa ni Jodi.

Natanong ang aktres kung malapit na raw ba ang araw na hinihintay ni Jolo para sa kanilang dalawa, “Uy, wala, we’re just taking slow, were not in a rush naman,” maagap na sagot ng magandang mommy ni Thirdy at future wife ng bise gobernador ng Cavite.

At sa tanong kung inaasikaso na ang annulment ng kasal nina Jodi at dating asawang si Pampi Lacson, “I’d rather not comment about it, kung anuman, we’ll make naman the announcement, but I don’t wanna comment.

Steady lang ako, chill lang naman akong tao, eh.” Nakakatuwa dahil kasama nina Jodi at Jolo ang kani-kanilang mga anak na sina Thirdy at Gab na nakikitang magkasundo naman.

Kaya’t hindi naiwasang tanungin muli ang aktres kung ano ang pakiramdam na magkasundo ang dalawang bagets at siya ang tumatayong nanay ni Gab kapag magkakasama sila.

“I don’t want to say na ano, kasi siyempre with respect naman din sa mommy ni Gab, siyempre,” tila nahihiyang sabi ng aktres.
Tinanong namin kung bakit hindi binabanggit ni Jodi na okay sila ni Gab at malapit sa kanya ang anak ni Jolo dahil nakita namin ito noong nasa Butuan City kami.

“Respeto naman sa mommy niya at saka unang-una, wala ako sa posisyon para magsalita or magsabi ng kung anu-anong bagay tungkol doon sa bata, di ba?  Siguro kung may ganu’n man, si Jolo ang tanungin n’yo,” katwiran ng aktres.

At si Jolo rin ay malapit kay Thirdy, “Si Thirdy knows kung ano ang posisyon ni Jolo sa buhay niya, si Thirdy, may dad siya at ‘yun ang dad niya, so ‘yun.  He does not play any role, hindi father figure, I just want that to make it clear.”

At sa tanong namin kung anong reaksyon ni Jodi sa sinulat namin na para silang high school kung maglambingan ni Jolo, “Ganu’n lang kami, kasi masaya kami,” tumatawang sabi sa amin ng aktres.

Going back to Cosmo Body na ineendorso ni Jodi ay inamin niyang matagal na niyang iniinom ang nasabing gamot kaya naman pala super sexy siya ngayon, “Oo, totoo ito, kasi after giving birth to Thirdy, siyempre naging challenge sa akin ang paglo-loose until a friend of mine recommended it to me so I started using it na.”

Hindi pa namin sigurado kung kailan magsisimula ang shooting nina Jodi at Sir Chief para sa movie version ng Be Careful With My Heart na kasali sa 2013 MMFF, pero pareho nang excired ang magka-loveteam sa kanilang first movie together.

( Photo credit to Google )

 

Read more...