JUDAY pinatigil na ang Huwag Ka Lang Mawawala para hindi mapahiya

HINDI lang basta magaling na aktres ang tingin ngayon ng mga bossing ng ABS-CBN sa Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos, ayon kay Biboy Arboleda ng Dreamscape Productions, bilib na bilib sila ngayon kay Juday dahil alam na niya talaga ang kanyang priorities sa buhay at marunong na siyang makipaglaban sa kanyang mga karapatan.

Sey ni friendship Biboy, malaki na talaga ang ipinagbago ni Juday, kaya naniniwala sila na hindi basta-basta magdedesisyon si Juday pagdating sa kanyang showbiz career.

At umaasa sila na muli nilang makakatrabaho ang aktres pagkatapos ng Huwag Ka Lang Mawawala. Aniya, meron na silang naka-line up na teleserye para sa Soap Opera Queen at sana’y magustuhan nga ito ng aktres.

Siniguro rin ni Biboy na walang namamagitang hidwaan sa pagitan ng Dreamscape at ni Juday, ito’y matapos ngang matapos agad ang Huwag Ka Lang Mawawala dahil sa pagpasok ng serye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Mismong ang Dreamscape ang nagkumpirma na si Juday na ang nagsabi sa management ng Dos na tapusin na muna ang HKLM bago simulan ang Got To Believe.

Mas gusto raw kasi ni Juday na matapos ang Huwag Ka Lang Mawawala na mataas ang rating kesa mag-suffer ang serye dahil sa paglipat nito sa mas late na timeslot tulad ng naunang plano ng ABS, para lang maipasok agad ang Daniel-Kathryn soap opera.

Samantala, wala nang atrasan ang paghihiganti ng karakter ni Juday  sa Huwag Ka Lang Mawawala na magtatapos na sa Agosto 23.

Sa huling dalawang linggo ng consistent top-rating primetime drama series ng ABS-CBN, matutunghayan ng TV viewers ang matitinding komprontasyon nina Anessa (Juday) at ng mapang-abuso niyang asawa na si Eros (Sam Milby), kasama ang kinakasama nito na si Alexis (KC Concepcion).

Paano tatanggapin ng mga Diomedes, lalo na ni Romulus (Tirso Cruz III), na naisahan sila ni Anessa na matagumpay nang nabawi ang anak nitong si Emman (Miguel Vergara)? Sa huli, sinu-sino ang lalantad na kakampi at kalaban ni Anessa?

Huwag palampasin ang mas kapanapanabik na tagpo sa Huwag Ka Lang Mawawala,” gabi-gabi, pagkatapos ng Muling Buksan Ang Puso sa ABS-CBN Primetime Bida.

( Photo credit to Google )

Read more...