Derek sa foreigner na lumaban sa pulis: Keep your mouth shut…

DEREK RAMSAY

GALIT na galit ang Kapuso hunk na si Derek Ramsay nang mabasa at mapanood ang gulong nangyari sa harap ng isang bahay sa Dasmariñas Village, Makati City kamakailan.

Ito yung engkuwentro sa pagitan ng isang pulis at isang foreigner na naninirahan sa nasabing exclusive village. 

Nagsimula ang gulo nang sitahin ni Police Senior Master Sergeant Roland Von Madrona ang kasambahay ni Jose Alejandro Parra na si Cherilyn Escalante dahil wala itong face mask habang nagdidilig sa labas ng bahay.

Pinaalalahan ng nagrorondang pulis si Escalante na magsuot ng face mask dahil isa itong paglabag sa quarantine protocol. Pumasok ang kasambahay sa loob ng bahay sabay labas naman ni Parra at ng asawa nitong Pinay.

Sa viral video ng insidente, makikita na wala ring suot na face mask ang mag-asawa nang lumabas ng kanilang bahay habang kinokompronta ang pulis at isa pa nitong kasamahan na siyang nagbi-video ng mga eksena.

Maririnig sa video na pinagmumura rin ng residenteng foreigner ang pulis habang ipinaliliwanag ang paglabag nila sa quarantine rules. At sa halip na sumama sa pulis para magpaliwanag nang maayos ay nagsisigaw pa ito hanggang sa makapasok muli sa kanilang bahay.

Nang makita ni Derek ang news item tungkol dito sa isang website na may titulong “Man in private village assaulted, nearly arrested without warrant by Makati police”, tinawag niya iitong “bad journalism”. 

Aniya, huwag naman daw palabasing “always the bad guys” ang mga sundalo at pulis. Narito ang Facebook post ngayong ni Derek tungkol sa issue.

“Bad journalism!!!!!

“Stop making it seem that our soldiers and policemen are always the bad guys.

“Shouldnt you get all the details and facts first before posting an article about the situation?”

Ipinagtanggol din ng boyfriend ni Andrea Torres ang mga frontliners laban sa mga katulad ng residenteng foreigner na mas matatapang pa sa mga pulis at sundalong nagpapatupad lang ng batas lalo na ngayong panahon ng krisis.

“Show respect to our soldiers and policemen!!

“Just because you are rich and live in an expensive residential area does not make you decent or better than everyone.

“Kuya magbago ka na! Your arrogance doesnt help.

“These men and women are fighting hard for all of us so keep your mouth shut if you have nothing respectful to say,” pahayag pa ni Derek.

Maraming kumampi kay Derek at nagsabi pang dapat ipa-deport agad ang nasabing residente dahil sa pambabastos nito sa ating mga frontliners.

Sa isang panayaman naman, sinabi ng foreigner na nakaalitan ng pulis na, “He has no valid warrant of arrest and is not in the right to arrest me.”

Read more...