Sylvia may misyon pa sa mundo; super proud kay Rhea Tan 

“MAS misyon pa ako sa mundo!” 

Yan ang paniniwala ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez matapos tamaan at gumaling sa COVID-19.

Kung may isang kinatakutan ang Kapamilya actress noong nakikipaglaban siya at ang asawang si Art Atayde sa killer virus, ito ay ang maiwanan ang kanilang mga anak.

Kaya talagang nagpakatatag at nakipaglaban siya para sa kanyang buhay. Pero aniya, handa rin niyang isakripisyo ang buhay para sa kaligtasan ng mga anak.

“Kasi noong nagkasakit ako, magkakasama pa kami ng mga anak ko rito sa bahay, eh. Kini-kiss pa ako ng 10 year old ko na anak (Xavi).

“So, yun iyong sabi ko, ‘Kung mayroon mang magkakasakit na isa sa mga anak ko, huwag na lang Lord, ibigay mo na lang sa akin yung virus na ‘yun.’ Lumaban ako para sa mga anak ko talaga,” lahad ni Ibyang sa panayam ng Rated K.

“Iyong iniisip ko, sabi ko, ‘Lord, everyday iyong anak ko, Lord, hindi ko mai-magine ‘pag dalawa kaming mag-asawa mamatay, di ko ma-imagine yung pain ng mga bata, ng mga anak ko… paano sila makaka-survive? 

“Alam mo yun, yung pinag-uusapan yung emosyon, yung sakit ng naramdaman? Tapos, hindi kami makikita, kasi ibabalot na lang kami, susunugin na lang kami, hindi ba? Painful masyado sa mga bata ‘yun,” sey pa ng nanay nina Ria at Arjo Atayde.

Pagpapatuloy pa niya, “Kaya nakikiusap talaga ako sa Diyos, kung di maiwasan, mayroong isa, ako na lang. Alam mo yun? Or kung puwede, dalawa kaming buhay. And thank God! Binuhay Niya kaming dalawa.”

Second life na rin itong maituturing para kina Sylvia at Art dahil dininig ng Diyos ang mga dasal nila, “Kasi sa 15 days ko sa kama, noong nagsabi na cleared lungs kami, parang na-realize ko, puwede Mo kaming kinuha eh, or isa sa amin. 

“Or puwede kaming dalawa, pero binuhay Niya ako ulit. Sabi ko, ‘Wow, di Mo pa ako kailangan. May misyon pa ako rito,’” sabi pa ni Sylvia.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nagdasal para sa paggaling nila ni Art, kabilang na riyan ang kaibigan at “business partner” niyang si Rhea Anicoche Tan, ang CEO at President ng Beautederm.

Sa isang post ni Ibyang sa Facebook, proud na proud siya kay Rhea dahil sa walang tigil na paghahatid nito ng tulong sa mga naapektuhan ng lockdown pati na sa frontliners.

Simula day one ng COVID-19 pandemic, hindi na tumigil sa pagbibigay ng ayuda ang successful businesswoman sa mga nawalan ng trabaho at medical frontliners.

Mula sa pamimigay ng relief goods sa iba’t ibang lugar kasama na ang alcohol at hand sanitizer (na gawa mismo ng Beautederm), nakapag-donate rin siya katuwang ang asawang si Sam ng mga PPE at iba pang medical items sa mga ospital. 

Bukod dito, naglunsad din sina Rhea ng fundraiser na “Luxury For A Cause” kung saan nagbebenta siya sa kanyang personal Facebook account sa pamamagitan ng bidding at auction ng kanyang mamahaling gamit. Ang lahat ng kikitain nito ay mapupunta rin sa kanilang relief mission.

Post ni Rhea sa kanyang FB page, “Sa mga nagbid po at nagbayad kagabi! Eto na po!! First batch nabili sa #LuxuryForACause Natin! 400 Pcs PPE Surgical Gowns! Thank you po God bless!! Thank you for saying #YestoLove #ContriBeauT #Beautéderm.”

Nasundan pa ito ng, “Luxury For A Cause Part 2! Nakabili na din po ang aking pamilya sa Ilocos Ng pamimigay sa aming mga kabarangay Maraming salamat po ulit sa mga sumali sa Bidding ! God bless us all! Thank you for saying #YesToLove #ContriBeauT.”

Read more...