BOTONG-BOTO si Pilita Corrales kay Rayver Cruz para sa kaniyang apong si Janine Gutierrez.
Naniniwala siya na magiging mabuting partner in life ang Kapuso actor-TV host kay Janine dahil bukod sa masipag ang binata ay marespeto rin ito sa kanyang kapwa.
Ang Asia’s Queen of Songs ang naging special guest ni Janine sa kanyang latest YouTube vlog para sa isang Q&A session na tinawag nilang “Ask Mamita Anything.”
At isa nga sa mga itinanong sa OPM icon at veteran actress ay kung boto ba siya kay Rayver bilang boyfriend ni Janine.
Sagot ni Pilita, “Yes I do, I like Rayver very much. I also met the brother (Rodjun Cruz) because I knew even before their mother died.
“I don’t think I ever met the mother, but I know that they’re a very close-knit family, they’re Catholics, they go to church every Sunday. Things like that. So I liked him right away,” simulang sagot ng lola ni Janine.
Dugtong pa ni Pilita, “He’s very respectful, he was telling me, ‘Mamita, finally, I think she’s gonna say yes to me.’
“Very nice, very talented, he sings, he’s such a wonderful dancer. I think you make a nice pair together, you and Rayver,” aniya pa.
Samantala, isa si Janine sa mga Kapuso stars na naglunsad din ng sarili niyang fundraising campaign para makatulong sa mga manggagawang apektado ng lockdown sa Luzon, pati na sa mga frontliners.
Tinawag niya itong “The Bright Side Project,” na naglalayong makapagbigay ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan ng mga komunidad through Ateneo X Tanging Yaman Foundation.
Nakapag-abot na rin sila ng tulong sa mga frontliners tulad ng PPEs sa pamamagitan naman ng #BaryaNiJuan charity campaign.