INIHAYAG kagabi ni Pangulong Duterte na wala na siyang balak buksan pa ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng New People’s Army (NPA) sa harap naman ng mga pag-atake ng rebeldeng grupo sa kasagsagan ng kampanya kontra coronavirus disease (COVID-19).
“There is no more peace talks to talk about. I am not and I will never be ready for any round of talks kasi simply the NPA, the Communist Party of the Philippines, has no respect either for their spoken words or in their deeds of killing soldiers who are on humanitarian missions,” sabi ni Duterte.
Kasabay nito ikinalungkot ni Duterte ang ulat ng mga nasawing sundalo habang nagbibigay seguridad sa pamamahagi ng pera at pagkain sa mga apektado ng enhanced community quarantine sa bansa.
“Again, it is a sad thing to know that ‘yung mga sundalo ko pinagpapatay while even doing the most honorable task of accompanying the government workers delivering money and the food. I am so sad about this development but there will always be a time for reckoning,” dagdag ni Duterte.