950 MT bigas donasyon ng South Korea para sa nasalanta

NAGBIGAY ng 950 metriko toneladang bigas ang Republic of Korea sa Pilipinas para ibigay sa mga nasalanta ng kalamidad.

Dinala ang mga bigas sa warehouse ng National Food Authority sa Quezon City.

Ang bigas ay naka-pack ng tig-40 kilo.

Tinatayang 600 metriko tonelada ang ibibigay sa 15,000 pamilya na naapektuhan ng lindol sa North Cotabato at Davao del Sur, at iba pang lalawigan sa Regions 11 (Davao) at 12 (Soccsksargen).

Ang 350 metriko tonelada naman ay ibibigay sa 8,750 pamilya na naapektuhan ng baha dulot ng bagyong ‘Quiel’ sa Cagayan Valley noong 2019.

Ang donasyong bigas ay dumating umano noong Marso sa puerto ng General Santos City (600 MT) at Maynila (350 MT).

Ang bigas ay ibibigay ng DA-NFA sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

“On behalf of President Rodrigo Duterte and the Filipino people, we wholeheartedly accept the rice donation from the Republic of Korea, and thank President Moon Jae-in and the Korean people for their generosity. Rest assured that this will go a long way,” ani Agriculture Secretary William Dar kay ROK Ambassador in the Philippines Dong-man Han.

“Through this rice donation, we are hoping to promote the well-being of the people of the Philippines in this time of very limited resources,” sagot naman ni Ambassador Han.

Read more...