230K OFW humihingi ng tulong, matutulungan ng DOLE 150K lang

DOLE

UMABOT sa 230,000 overseas Filipino workers ang humihingi ng tulong pinansyal sa Department of Labor and Employment.

Pero 150,000 lamang ang kayang tulungan ng ahensya sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program na nagkakahalaga ng P1.5 bilyon.

Kailangan umano ng DOLE ng dagdag na pondo para matulungan ang iba pa.

Sa ilalim ng AKAP ang kuwalipikadong OFW ay bibigyan ng $200 na ayuda.

Ayon sa Philippine Overseas Labor Offices (POLOs) 89,436 OFWs ang nawalan ng trabaho o nasa no-work, no-pay status dahil sa ipinatutupad na lockdown sa bansa kung saan sila naroon.

Sa 233,015 aplikasyon sa AKAP, 118,134 ang natanggap ng POLO at ang nalalabi ay tinanggap ng DOLE regional offices o Overseas Workers Welfare Administration.

Nakapasa na umano ang 49,040 OFW sa pamantayan para sa AKAP at makatatanggap na ng ayuda.

Read more...