NAGKAROON ng 47 power interruption sa mga sinusuplayan ng kuryente ng Manila Electric Company dahil sa saranggola at iba pang sumabit sa kawad ng kuryente.
Nanawagan ang Meralco na huwag magpalipad ng saranggola malapit sa mga kawad ng kuryente.
“Let’s refrain from doing that [kite-flying]. Nakikiusap po ako sa ating mga kababayan, huwag na po muna tayong magpalipad ng saranggola. Hindi po ito nakakatulong bagkus ay nakakaperwisyo po ito hindi lamang po sa amin sa Meralco, higit sa lahat ng taumbayan na umaasa sa patuloy na serbisyo ng Meralco, lalo na yung mga vital facilities tulad ng hospital,” ani Meralco Public Information Head at Spokesperson Joe Zaldarriaga.
Sa 47 unnecessary power interruptions, nawalan ng kuryente ang 708,805 kustomer kasama rito ang 12 ospital at medical facilities. Nangyari ito mula Marso 16 hanggang Abril 15.