2.2M empleyado apektado ng ECQ, 600K lang matutulungan sa CAMP

UMAABOT sa 2.276 milyong empleyado ang hindi nakapagtatrabaho o hindi nakapagtatrabaho ng normal dahil sa Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Assistance Secretary Domiique Tutay, ng Department of Labor and Employment, ang mga empleyadong ito ay nagtatrabaho sa 84,000 establisyemento sa buong bansa.

Sa naturang bilang 1.5 milyong manggagawa ang empleyado ng 66,559 establisyemento na sarado dahil sa ECQ.

Ang 19,000 establisyemento naman na may 776,000 empleyado ay nagpapatupad ng flexible work arrangement kaya maaaring bawas ang kanilang kinikita.

Aabot lamang umano sa 600,000 empleyado ang mabibigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Read more...