Italyano inaresto matapos awayin ang mga pulis
NEGATIBO umano ang naging pagtingin sa mga pulis nang lumabas ang video kung saan inaaresto nito ang isang dayuhin dahil walang suot na facemask.
Pero marami umano ang nagbago ang pananaw ng lumabas ang isa pang video ng mga pangyayari bago ang tangkang pag-aresto kung saan makikita na minumura ng Italyano na si Javier Parra ang mga pulis.
Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ipinakikita ng pangyayari ang kahalagahan ng paggamit ng mga pulis ng body camera.
“The video released by the Mr. Parra immediately put the police in a negative light. It was fortunate that there was another video taken before the arrest, which showed the policeman in a calm demeanor,” ani Biazon.
Sa isang post sa social media, ipinayo ni Biazon sa publiko na panoorin ang dalawang video para malaman ang buong pangyayari.
“Just saw a video taken before the attempted arrest. The two videos provide context of the entire incident. Watch both, not just one. Nevertheless, authorities should take action to ease tension out there in the field,” ani Biazon.
“It will now be up to the judicial process to determine if the police was justified in its actions. Based on the videos I have seen, the policeman acted with due courtesy at the beginning while the resident exhibited behavior which was aggressive toward the law enforcer.”
Dagdag pa ni Biazon dapat ay nakinig na lamang si Parra sa kanyang misis. “He should have listened to his wife…instead, he kept shoving her aside and even tells her “get out of here!” Red flag there.”
“Having bodycams during operations will ensure that the true account of events will be documented,” saad ng solon. “This emphasizes the need for the adoption of a policy mandating the use of bodycameras by law enforcers not just for the protection of citizens but of the law enforcers themselves.”
Ayon sa ulat, sinita ng mga pulis ang katulong ni Parra kahapon dahil wala itong suot na facemask.
Pumasok umano ang katulong at lumabas naman si Parra at ang kanyang misis na lumapit sa mga pulis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.