Hugot ni Vice: Mas pipiliin ko si Tutoy kesa kay Vice Ganda, kasi…
NAPAIYAK si Vice Ganda sa episode ng Gandang Gabi, Vice kagabi.
Sa “Tanong Mo, Mukha Mo” segment hosted by Boy Abunda, a picture of a young Vice Ganda named Tutoy flashed on screen. Boy asked kung ano ang question ni Vice kay Tutoy.
“Kung makakausap ko si Tutoy, gusto kong itanong sa kanya ngayon kung masaya ka ba kung ano ang ginawa ko sa buhay ni Tutoy.
“I will forever be Tutoy, kuya Boy,” Vice Ganda declared. “It will never change. I will forever remain to be Tutoy because Tutoy is my nanay’s happiness. Kaya hindi puwedeng mawala si Tutoy.
“Puwedeng mawala si Vice Ganda pero hindi (puwedeng) mawala si Tutoy because Tutoy is my nanay’s love. Tutoy is my nanay’s soure of joy.
“I will forever be Tutoy. I will always want to be Tutoy. I will always go back to be Tutoy. There are moments na nakakaligtaan ko na si Tutoy but I always remind myself na ‘hoy, you have to go back to Tutoy’ because Tutoy is real.
“Mas pipiliin ko si Tutoy kaysa kay Vice Ganda kasi noong panahon ni Tutoy ay mapayapa lang siya, simple lang siya, hindi kumplikado ang buhay niya pero masayang-masaya siya.
“Masaya rin naman si Vice Ganda. Ngayon, masaya si Vice Ganda. Pero iba ‘yung saya ni Tutoy, eh. Dalhin lang siya ng lolo niya sa Avenida, masaya na siya. Manood lang sila ng sine sa Avenida, sa Carriedo, sa Sta. Cruz, masayang-masaya na siya.
“Si Tutoy, dalhin lang siya ng nanay niya sa Monumento para ibili ng nanay niya ng rubber shoes sa may Gotesco, masayang-masaya na siya.
“Si Tutoy, ihalo lang siya ng lolo niya ng itlog sa kanin ay masayang-masaya na siya. Walang bayad ‘yung saya na ‘yun.
“Iyon ang gusto kong saya kaya masaya ako na nandito na uli ang nanay ko.
“Ito ang sayang gusto ko. Kahit hindi araw-araw makita niya ako, magkita kami, mahawakan niya ako. Pupunta kami sa mall, bibili kami ng sapatos uli pero ako na ‘yung bibili, hindi na ikaw,” mahabang sagot ni Vice.
Grabe, umiyak ang audience lalo na noong umakyat sa stage ang nanay ni Vice Ganda para yakapin siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.