Pamilya Revilla na-bash dahil sa IG post ni Lolit Solis; netizens nagreklamo 

BONG REVILLA

WALANG ginagawang masama ang mga Revilla pero base sa mga reactions ng followers ni Lolit Solis sa kanyang Instagram account, hindi nila nagustuhan ang latest post ng veteran columnist and manager.

“Maaaring meron pagkukulang sa ilang bagay ang mga Revilla, pero isang bagay ang masasabi ko talagang mahal nila ang Cavite. 

“Dahil siguro duon na lumaki sa Cavite ang mga Revilla tulad ni Bong at Strike, halos lahat ng tao duon kilala na nila. Hindi rin kataka-taka na ang mga anak nila na sila Jolo at Bryan active na active sa province ng Cavite. 

“Ang ganda nilang tignan pag naglalakad sa streets ng Cavite at namimigay ng relief goods at nagtatanong sa mga tao kung ano pa ang kailangan. 

“Tiyak na kahit ano pa ang gawin nila, meron parin sasabihin ang iba pero talagang ganun ang buhay, hindi puwede lahat ng tao gusto ka, pero kahit isa lang ang maniwala sa iyo sapat na iyon. At sa nakita ko more than that ang naniniwala sa pamilya Revilla. 

“Nasa puso nila ang Cavite, nasa mga Caviteno din ang pagmamahal sa mga Revilla.”

‘Yan ang latest post ni Lolit and it was met with sarcasm if not outright hatred. Grabe ang bash na inabot ng mga Revilla dahil sa post na iyon ni Lolit.

“Pasensiya na po manay pero this time hindi po ako sasang ayon sa iyo sa kadahilanan na taga bacoor cavite po ako ni minsan hindi ko po nakita si Vice Gov Jolo at Bryan na naglalakad lakad para mamigay at mag tanong kung ok ang kalagayan ng kanilang nasasakupan hahaha!!! 

“Hindi po totoong active sila hwag po kayo gumawa ng kwento. Hindi nga po ramdam ang paka vice gov ni Jolo eh!!!” reaction ng isang netizen.

“Nakita nyo video nila…kakapurit na bigas at galing pa ata sa mga donations. kasama ko sa work taga Bacoor as in kahit isang butil na bigas wala silang ayudang natanggap,” comment naman ng isa pang follower ni Lolit.

Another one said, “Revilla? Jolo,Lani at Bong tatlo tatlo silang namumuno at 1kg to 2kg bigas lang nabigay sa halos 2 months na quarantine 1 ligo 1 noodles..bkit ndi magaya ang ibang mayor halos weekly umaapaw sa pamimigay ng relief..try nyo manirahan sa Cavite at normal na mamayan malalaman nyo hinaing ng mga tao sa kanila.”

“Daming pera ng Cavite pero bakit ganito ang daming nagrereklamo kasi paunti unti bigay 3 kilo na bigas 4 na delata 2 noodles mag 2 buwan na ang lock down tas ung iba hindi pa nabibigyan kahit isang butil na bigas lalo sa Bacoor Cavite..kasama ko sa work taga Bacoor Cavite ni isang butil na bigas daw wala pa sila nakukuha. hindi mamatay sa COVID mga tao dito sa gutom mamamatay,” comment ng isa pang netizen.

Bukas ang pahinang ito para sa explanation ng Revilla family sa mga reklamo ng mga Caviteño. 

Read more...