WE don’t know if Alden Richards’ contract with GMA 7 is set to expire this month but Twitter is abuzz with rumors that the actor is not keen on renewing it.
Hati ang reaction ng fans ni Alden. There are those who felt na hindi na siya dapat mag-renew at maging freelance artist na lang.
There are fans naman who were saying na kung pipirma uli siya ng kontrata dapat ay pabor sa kanya ang terms at dapat payagan siya uli ng GMA na makagawa ng mas marami pang pelikula sa Star Cinema at makatambal ang iba pang leading ladies sa ABS-CBN.
“Puwede namang pumirma uli si Alden ng kontrata sa GMA, pero si Alden ang magset ng rules hindi ang GMA.”
“So renewal is at the option of Alden including the terms and conditions even without mentioning the consideration? I heard he has until April 30 to exercise the option? Kaya ang AlCake na paninira sa kanya is to pressure him to renew?”
“Good afternoon. Ang sa akin lang sana wag nang magrenew ng contract si Alden. Si Bossing, TVJ na lang mag produce ng movie ng ALDUB/MAICHARD. Or pwede rin sina Alden at Maine na lang mismo ang mag produce ng movie at concert nila.”
One fan said naman na kaka-renew lang ng kontrata ni Alden noong September, 2019 kaya imposibleng mag-expire na ito this year. Alangan naman daw 1 year lang ang pinirmahan niyang contract.
Another Alden supporter said na baka may mga gumagawa lang ng fake news para manggulo at palabasin na lalayasan na ng aktor ang GMA 7.
He also mentioned the show of Alden (a reality talent show) na biglang naputol dahil nga sa lockdown due to COVID-19 pandemic. So, paano nga naman daw mangyayari ang balitang matatapos na ang contract niya sa kanyang mother network.