Kumubra ng SAP pinagbabaril, sugatan

SUGATAN ang isang lalaki nang pagbabarilin matapos tumanggap ng perang ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP), sa Bayawan City, Negros Oriental, kaninang umaga (Lunes).

Itinakbo sa pagamutan si Bugoy Tecson, nasa ligal na edad, dahil sa tama ng bala sa iba-ibang bahagi ng katawan, ayon sa ulat ng Negros Oriental provincial police.

Naganap ang insidente sa Purok 1, Brgy. San Jose, dakong alas-10:30.

Pauwi si Tecson sa Brgy. Manduao nang pagbabarilin ng isang Menard Subrada, residente ng San Jose, ayon sa ulat.

Agad dinala si Tecson sa Bayawan City District Hospital para malunasan.

Inaalam pa ng lokal na pulisya ang kinaroroonan at motibo ng suspek, na agad tumakas matapos ang insidente.

Read more...