OFW na naka-quarantine sa motel nag-suicide

NAGBIGTI ang overseas Filipino worker na naka-quarantine sa isang motel sa Pasay kahapon.

Alas-6 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabitin sa ilalim ng hagdanan ng Lisa Lodge sa Cuneta Ave.

Gumamit ng piraso ng tela ang biktima, na tubong-Libungan, Cotabato, sa kanyang pagpapatiwakal.

Nabatid na dumating sa bansa ang biktima mula sa Kuwait noong Abril 4 at agad siyang isinailalim sa mandatory quarantine.

Sa Kuwait ay nagtangka na rin umanong magpakamatay ang biktima.

Hindi pa malinaw kung ano ang nagtulak sa biktima na magbigti.

Huli siyang nakitang buhay alas-4 ng madaling araw na tila balisa.

Kumikilos na ang OWWA upang maipaalam sa pamilya ng biktima ang pangyayari.

Read more...