IKINADISMAYA ng isang solon ang pagkamatay ng isang babae matapos tanggihan ng anim na ospital.
“My heart bled as I read the story of Katherine and Jan Bulatao, one of the many modern-day Joseph and Mary, after being turned away by several hospitals,” ani Quezon City Rep. Alfred Vargas.
Nanganak umano si Catherine sa kanilang bahay sa tulong ng isang hilot. Naiwan umano ang placenta ng bata kaya kinailangan niyang pumunta sa ospital.
Tinanggihan umano sila sa mga Caloocan City at Quezon City dahil wala umanong pera pang-down payment. Tinanggap umano siya sa Bulacan subalit namatay dahil sa dami ng nawalang dugo. Anim na oras umano ang ginugol nila bago nakarating sa Bulacan.
“It is disheartening to read about Katherine’s death. She had just given birth, was hours away from death but wasn’t attended to because of a P30,000 down-payment that a properly equipped hospital was demanding. We are in the midst of saving and protecting lives where health workers and patients die because of the virus and we allowed Katherine to die without a fight. Isn’t that a crime? A child was deprived of a mother. That is a tragedy,” saad ng solon.
Sinabi ni Vargas na tanggap niya na may mga kakulangan ang mga ospital pero dapat ay tinulungan umano ng ospital na una nitong pinuntahan ang pasyente sa paghahanap ng malilipatang ospital.
“Anuman ang paliwanag, ng anim na ospital, walang doktor na tumingin kay Katherine. Agaw buhay siya pero di siya nakakuha ng atensyon medikal. Yan ang katotohanan!”
Nais ni Vargas na magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung may nalabag ang mga ospital sa ilalim ng “An Act Prohibiting the Demand of Deposits or Advance Payments for the Confinement or Treatment of Patients in Hospitals and Medical Clinics in Certain Cases” (RA 10932).
Nanawagan din si Vargas ng breast-milk donation para sa anak ni Katherine.