SSS pensioner hindi kasali sa SAP, dagdag P1K pension ibigay na

NANAWAGAN si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez na ibigay na ng Social Security System (SSS) ang dagdag na P1,000 pension sa mga retirado.

Umapela umano ang mga senior citizens sa CDO kay Rodriguez lalo at ang mga may pensyon sa SSS ay hindi kasali sa tutulungan sa ilalim ng Social Amelioration Program. Hindi rin kasali ang mga pensyonado ng Government Service Insurance System (GSIS).

“In fact, they are more vulnerable to infection. Most of them have maintenance medicines that they buy with their small monthly pension,” dagdag pa ni Rodriguez. “They have to be helped, especially SSS pensioners who are getting less than P16,000 a month. They need the additional P1,000 increase.”

Inendorso ni Rodriguez ang letter-appeal ng mga senior citizen kay Pangulong Duterte.

Noong 2017 sinabi ni Pangulong Duterte na bibigyan ng P2,000 dagdag ang mga pensyonado ng SSS. Pero P1,000 pa lamang ang naibibigay ng ahensya.

Read more...