PANOORIN: ‘Tangis ng Inangbayan’ sagot ng Pinay sa ‘Iisang Dagat’ ng China
MATAPOS mag-viral in a negative way ang kantang ‘Iisang Dagat’ ng Chinese Embassy, isang Pinoy ang nagbigay ng sagot dito sa pamamagitan din ng awit.
Binigyan ni Maybelle de los Santos ng title na “Tangis ng Inangbayan” ang ginawa nyang kanta na i-pinost nya sa kanyang social media account.
“Ito po ang kantang SAGOT ko sa kanta ng mga TSEKWA na ipinakanta kay IMELDA PAPIN. Sana sa nalalapit na panahon ay makakanta nating lahat ito.”
Maraming patama ang lyrics ng kanta sa China katulad ng pagpapalayas sa China at pag-demand na ibalik ang mga isla ng Pilipinas.
“Di nyo kami madadaan sa inyong pakanta-kanta Habang ang virus nyo’ng dala’y patuloy na nananalanta At lalong di kami payag Na maging sakop ng bayan nyo Ibalik nyo ang mga isla’t lumayas na kayo”
Panoorin ang buong kanta dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.