Ikinanta ng kapitbahay, 2 huli sa shabu session
SWAK sa selda ang dalawang lalaki na isinumbong umano ng kapitbahay ang ginagawa nilang paggamit ng shabu sa Quezon City kahapon.
Sina Julius Elorde, 46, mekaniko, ng Area A, Brgy. Payatas, at Reynante Atega, 40, taxi driver, at ng Brgy. Commonwealth, ay nakakulong sa Batasan Police.
Isang concerned citizen ang tumawag sa pulisya kaugnay ng isinasagawang shabu session sa Alegre Cmpd. IBP Road Area A, Brgy Payatas, las-5 ng hapon.
Naaktuhan umano ng mga pulis ang dalawa na gumagamit ng shabu.
Nasamsam umano sa kanila ang dalawang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.