UMAKYAT na sa 1,343 ang bilang ng mga overseas Filipino workers na nahawa ng coronavirus disease 2019.
Ayon sa Department of Foreign Affairs anim na kaso ang nadagdag kahapon.
Umabot na sa 331 ang bilang ng mga gumaling, nadagdagan ng tatlo.
Isa naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi o kabuuang 185.
“The DFA will continue to monitor the status of our people abroad and will keep on rallying the observance of preventive measures against COVID-19 pandemic.”
MOST READ
LATEST STORIES