Construction projects payagan nang makapagpatuloy

Construction

UMAPELA si Construction Workers Solidarity party-list Rep. Romeo Momo, Sr., sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na payagan na ang paggawa sa government at private construction projects sa muling pagpapalawig ng quarantine.

Ayon kay Momo nagsagawa ang Philippine Constructors Association (PCA) Inc. ng ‘business resilliency survey’ sa kanilang sektor. Ipinadala niya ang resulta ng survey kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar.

“We hope that the government can assure that our constituents in the construction industry, more particularly, the ordinary Filipino construction worker, can get back to work as soon as possible, as we stand in solidarity with the administration of President Duterte in putting an end to this very destructive pandemic,” ani Momo.

Batay sa survey 74.2 porsyento ng respondents ang inihinto ang kanilang operasyon at 44.8 porsyento sa mga ito ang mangangailangan ng tulong pinansyal hanggang sa matapos ang taon at ang 41.9 porsyento ang nahaharap sa problemang pinansyal.

Tanging 12.9 porsyento umano ang may sapat na pondo.

Kailangan umanong makasingil ang mga ito at 51.9 porsyento ang nagsabi na makababawi sa loob ng anim na buwan kung mabibigyan ng tulong.

Ayon sa PCA ang 53 porsyento ng mga respondents ay itinuturing na micro, small and medium enterprises (MSMEs) na kinikilala ng Philippine Contractors Accreditation Board o may PCAB Classification of B at mas mababa.

Sinabi ni Momo na maaaring magbalik ang paggawa sa mga construction projects ng sumusunod sa protocol na babalangkasin ng Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Health (DOH).

Makatutulong din umano ang pagbabalik sa trabaho ng mga obrero sa paggulong ng ekonomiya.

“Notably, the construction sector grew by 10.9 percent in 2019, and has consistently served as one of the biggest contributors to the country’s economic expansion in recent years,” dagdag pa ng solon.

“If the government infrastructure projects are behind by 20% and assuming government spending for 2020 is P700 billion, then we are behind by P140 billion in disbursements.”

Ang paggastos umano ng gobyerno sa infrastructure projects ang dahilan ng malaking paglago ng industriya sa mga nagdaang taon.

Kung hihinto umano ang gobyerno sa paggastos na ito ay aabot sa 4 milyong construction workers ang manganganib ang trabaho.

Sinabi ng Department of Budget and Management na hindi na nito gagastusan ang 35 porsyento ng mga programed fund sa ilalim ng 2020 national budget.

Read more...