Nurse pinagtabuyan ng kapitbahay; di raw diniscriminate

ISANG nurse na galing sa trabaho ang hinarang ng kanyang mga kapitbahay at hindi pinayagang makauwi.

Nakunan ng video ang komprontasyon noong Abril 23 sa pagitan ng mga volunteer na nagbabantay sa pasukan ng Sitio Callejon sa Labangon, Cebu City, at sa hindi-kinilalang nurse.

Tinanong umano ng nurse kung ano ang problema sabay sabi na galing siya sa trabaho, pagod at gusto nang magpahinga. Idinagdag niya na

bilang isang frontliner ay exempted siya sa regulasyon ng quarantine.

Pinayuhan siya ng isa sa mga lalaki na humanap ng condominium o ibang bahay kung saan siya puwedeng tumira pansamantala.

“Dili man sad mi maka blame Ma’am kay daghan sad silingan mang reklamo Ma’am ba. Usa pa sad sa ospital ka nag trabaho, mo aksyon gyud ug kabalaka ang mga taw diri,” ayon naman sa isa pang volunteer.

(We cannot also blame residents for raising their concerns.  Besides, you work in a hospital that is why we can’t help but also worry.)

Sinabi ni Brgy. Labangon chairman na pinayagan ding makauwi ang nurse matapos kausapin ng mga barangay officials ang mga volunteer.

Itinanggi naman ni Buendia na fine-descriminate ng volunteer ang nurse.

“It just so happened that things escalated because of the exchange of words. We asked both parties to try to relate to each other considering that they are all frontliners,” aniya.

Read more...