3 huli sa shabu

ARESTADO ang tatlo katao sa magkakahiwalay na operasyon ng Quezon City Police.

Si Edmar Rufo, 29, ng Maguindano st., Road 19, New Lower Bicutan, Taguig City, ay naaresto alas-7:20 kagabi sa tabi ng Burger Machine store sa kanto ng Gen. Espino at E. Rodriguez sts.  Brgy. Central Signal Village, Taguig City.

Nagbenta umano ang suspek ng P1,500 halaga ng shabu sa isang poseur buyer. Nang maaresto ay nakuha sa kanya ag P200,000 halaga ng shabu.

Nabatid na naaresto si Rufo noong Hunyo 2019 sa kaparehong kaso.

Naaresto naman ng Kamuning Police si Zacarias Balabbo, 32, ng Makati City, alas-4:15 ng hapon kahapon sa R and J Apartelle sa Kamias Rd., Brgy. Pinyahan.

Narekober umano sa kanya ang P20,400 halaga ng shabu, at isang 9mm pistola.

Nahuli naman ng Batasan Police si Francis Bien Guevarra, 45, alas-3:20 ng hapon sa Feria Cmpd., Brgy. Old Balara. Nagkakahalaga ng P6,800 umano ang shabu na nakuha sa kanya.

Read more...