OFWs nahihilo sa ginagawa sa kanila ng gobyerno

OFWs

MAHIHILO umano ang mga overseas Filipino workers sa magkakasalungat na pahayag ng mga opisyal ng gobyerno kung ano ang dapat nilang gawin pag-uwi ng mga ito sa bansa.

Ayon kay House Deputy Majority Leader at Zamboanga Sibugay Rep. Wilter “Sharky” Palma II dapat ay magkaroon ng maayos at malinaw na guidelines ang Department of Foreign Affairs at Overseas Workers Welfare Administration sa mga dumarating na OFW.

“It’s very unfortunate that the noble undertaking of President Duterte to ensure public safety and the health of our beloved OFWs has been jeopardized by clash or conflicting statements among our officials, sending many people to panic and local government officials to confusion,” ani Palma.

Ginawa ni Palma ang pahayag matapos sabihin ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na ang mga umuuwing OFW na nag-quarantine na sa ibang bansa ay maaari ng umuwi sa kanilang mga bahay taliwas sa pahayag ni OWWA Administrator Hans Cacdac na kailangang sumailalim sa quarantine ang mga ito sa loob ng 14 araw sa mga quarantine center ng gobyerno.

“This is a clear case of too many cooks spoil the broth,” ani Palma. “It is the duty of the state to give clear message that would guide the people to peace, stability and calmness.”

Makabubuti rin umano kung magkakaroon ng iisang spokesman na sasagot kaugnay ng mga katanungan ng mga OFW.

“I urge the IATF to make a clear, concise & sound guidelines. At ‘wag yung basta na lang may Secretary, or any of their subordinates, na magpa interview sa media and sabihin niya ang kanyang interpretation sa guidelines. Let someone talk for and on behalf of the national government. ‘Wag ‘yung ang daming nagsasalita. It really gets confusing on the part of the LGUs.”

Kamakailan ay 300 OFW na mula sa Estados Unidos ang dumating sa bansa at dinala sa quarantine facility sa Pier 15. Hindi man lamang umano pinakain ang mga ito at makalipas ang pitong oras ay pinauwi rin sa kani-kanilang bahay.

“Dito sa mga OFWs, ang suggestion ko, kung nakapag-quarantine sila abroad before flying back to the Philippines, the OWWA or DOLE (Department of Labor and Employment) should make sure na diretso ang kanilang biyahe to their respective localities. Pagkagaling ng airport lipat sila agad sa plane or barko kung may available na maghahatid sa kanila sa mga probinsya nila. Pagdating sa probinsya, OWWA or DOLE should also make sure that their transportation is ready so that upon disembarkation from the plane or boat, diretso sila sa bus or van nila at ihahatid sila agad sa kanilang localities. Pagdating nila sa localitites nila ‘wag muna sila pauwiin ng bahay but rather put them in a 14-day quarantine in a quarantine-designated area, whether sa barangay nila or sa municipality/city. At least masisilayan nila agad mga pamilya nila. For those who did not undergo quarantine abroad prior to their flight, they should be sent directly to Clark or wherever is the designated quarantine area for a 14-day quarantine,” suhestyon ni Palma.

Read more...